Kung gusto mong pataasin ang value ng Tagalog na audio o video mo, subukang gumawa ng mga transcript, na makakatulong sa iyo ng makilala ng bagong awdiyens at mapahaba ang buhay ng content mo. Pero huwag basta-basta pumatol sa kung ano-anong serbisyo na transkripsiyon. Sa TranscriptionServices.com, may pangkat ng mga eksperto na gagawa ng mga propesyonal na transcript ng iyong Tagalog at Filipino na audio o video.
Magsimula ngayon. Mag-order na.
Ekspertong Transkripsiyon ng Tagalog na Audio at Video
Mahigit 28 milyon, karamihan ay nasa Pilipinas, ang unang wika ang Tagalog. Dahil sa mataas na katayuan ng wikang ito bilang lingua franca sa Pilipinas, aakyat ang bilang sa 82 milyon kung isasama ang lahat ng tao na pangalawang wika ito. Tutulungan ka ng TranscriptionServices.com na ipakilala ang content mo sa malaking awdiyens na ito sa pamamagitan ng pag-transcribe ng audio at video mo para makagawa ng tekstong magagamit sa pananaliksik, dokumentaryo, mga proyekto sa SEO, at marami pang kapaki-pakinabang na mga aplikasyon.
Tumpak ang mga Transcript Namin, Ano man ang Paraan ng Paggawa ng mga Ito
Mas tumpak ang nagagawang transcript ng mga sanay na eksperto sa TranscriptionServices.com kaysa mga computer—kahit pa gumamit sila ng software sa unang yugto ng transkripsiyon. Hindi ganap na nauunawaan ng mga programa sa speech recognition ang mga nuance ng anumang wika, lalo na ang teknikal na mga katangiang nagpapaiba sa Tagalog mula sa Filipino, na pangunahing nakabatay sa Tagalog at nagsisilbing pambansang wika ng Pilipinas. Gayunpaman, kapaki-pakinabang na kagamitan ito ng propesyonal na mga transcriptionist dahil napabibilis nito ang trabaho. Maalam ang pangkat namin sa wastong mga idyoma at kolokyalismo at nauunawaan nila ang iba't ibang punto at diyalekto, tulad ng ginagamit sa Maynila, Batangas, Bulacan, at iba pa. Titiyakin naming mauunawaan ng transcriptionist mo ang wastong diyalekto para sa iyong proyekto, para matiyak na maibigay sa iyo ang pinakatumpak na transcript.
Walang Kahirap-hirap na Kustomisadong mga Order at Flexible na Turnarounds
Kaya ng koponan namin sa TranscriptionServices.com ang anumang gawain sa transkripsiyon. Marami na kaming na-transcribe na Tagalog na mga audio at video para sa mga negosyante, akademiko, mananaliksik, at iba pang propesyonal sa iba't ibang industriya. Espesyalisasyon din namin ang pagsasalin ng mga transcript ng mga content mula Tagalog at Filipino tungong Ingles. Kaya ng mga eksperto namin ang mapanghamong mga proyekto, tulad ng audio na may mababang kalidad ng pagrekord, iba't ibang nagsasalita, at komplikadong terminolohiya.
Magtiwala sa TranscriptionServices.com at matitiyak mo ang katumpakan (at pagiging kumpidensiyal) ng ginawa naming mga transcript. Nag-aalok kami ng mga flexible na turnarounds para matiyak na natutugunan namin ang mga pangangailangan mo sa produksiyon, ano man ang mga ito. Ipadala mo lang sa amin ang audio o video mo. Kami na ang bahala rito.
May mga kliyente kami sa iba’t ibang panig ng mundo, mula sa New York City, Charlotte, at Nashville hanggang sa Manila, Quezon City, at Caloocan City.
Mag-order na para masimulan na ang proyekto mo sa transkripsiyon.